Gran To~ Met U (a movie experience)

February 23rd, 2009  Tagged , , ,

February 21, 2009

After a tiring day at FEU, me and my friends went straight to our “safehouse”, yeah.. sa Frontlink Computer Rental. HAHA.

nag browse-browse saglit, naglaro ng counter-strike, at nag L4D(left4dead)

Syempre “to kill time” kasi ayoko pang umuwi XD

Napansin ko na lang eh mag aalas-sais na,6pm. So, nagbayad ako dun sa cashier, 20 pesos rin.

May liwanag pa ng araw pag labas namin sa aming “safehouse”, kumain muna kami saglit sa tabing “canteen” ng safehouse namin,

YEAH!!! “ate! siomai with rice po” mga 15 minutes din ang ginugol namin.

Past 6pm, we decided na umuwi na at gagabihin na naman,

Habang naglalakad sa kahabaan ng Recto, (papuntang LRT2) eh may naalala akong pelikula, lagi kong  nkikita sa Mrt(Araneta Stn.) ang Poster nito at mukha namang interesante. Nakita ko rin ang trailer sa Youtube, at Nabasa ang plot sa wikipedia,

Gosh!! Box Office!! Action Movie, paborito ko!!

So, habang nag lalakad, shinare ko sa kanila at inaya kong manood,

Walang patumpik-tumpik, pumayag ang mga loko, gusto rin manood haha.

So, excited kami habang nasa LRT2 palang, kwentuhan, tawanan.

Si Rolf kasi ginaya ung “Nu theta Sign” sa “Stomp the Yard” na movie,

ahahaha. grabe dalawang stations ata ng train ang nadaanan namin kakatawa,

kasi naman, di nya kaya ung movement ng leeg, at nakaka tawa ang nagawa nya, medyo may ka “chubby-han” din kasi.

Ayun, LAUGHTRIP tlga!

“Araneta Center-Cubao Terminal Station”

-sa wakas dumating din kami!

Medyo madaming tao XD

Dumiretso na kami kaagad sa Movie Theatre para bumili ng ticket.

Pagtingin namin sa schedule:

“WTF? 6:30pm pa nag start yung “Gran Torino” eh alas 7 na?!!

ayaw namin manood ng di naumpisahan XD

iba ang pakiramdam, parang nalampasan mo na ang last ride ng bus/tren pauwi sa inyo, kaya di nalang iyon ang pinanood namin.

Tumingin ulit sa Sked, nag hanap-hanap,

“Tol, Valkyrie kaya?”

“Pangit yan! puro daldalan” sagot ni Peejay, dahil napanood na nya.

*hanap ulit*

“When I Met U” ang nakita ko,

natatawa akong sinuggest ko sa kanila un.

“Tol, yung kay Rich,KC nalang kaya? trip trip lang”

Una, ay ayaw pa nila, pero kalaunan, napapayag ko rin.

*sa Ticket Booth

Cashier: Uhm, Sir, Anong movie po?

Ako: Uhm.. (nagpapa laki ng boses) TATLONG “WHEN I MET U” nga..

Cashier: Okay sir, san nyo po gustong pumwesto?

Ako: Uhm. Pls recommend a comfortable seats for us.

Cashier: Okay sir, bale dito po, 18,19,20.

Natapos na kami sa payment ng ticket, at nag CR saglit para “di kami mabitin” wahahaha.

Okay, mga 7:15pm, pumasok na kami sa Cinema 2, nahihiya pa nga kami kasi puro kami lalaki hahaha.

7:30 magsisimula ang palabas, bumili muna kami ng snacks, para di naman boring habang kinikilig hahaha.

*at nagsimula na nga*

hahaha. astig okay yung story nakaka tuwa, at nakaka kilig, nakaka tawa rin pala.

Mag aalas diyes,10pm na nang matapos,

Nag biro pa nga ako na baka may camera sa labas, at maghahanda na kami ng sasabihin, “SANA MAY PART 2″ wahahaha. LOL

Astig ang experience na ito!! haha.

Kapag Ako’y Nababato.

April 10th, 2008

Boring talaga during vacation, except pag Christmas Season syempre :D , napaka init kasi ngayon. Kung mag sswiming naman, nakaka itim, kahapon may night swimming, niyayaya ako ng kapitbahy nming sumama, kaso ang pinili ko ay humiga sa kama.

"Nagising sa PAWIS KOOOO!!" - - - madalas mangyari ito ngayon, lalo na’t magising ako ng mga bandang 9.30am, leche, nakaka bwisit!

Hula Hoop

January 27th, 2008

Maaga akong gumising ngayon araw ng linggo, naalala ko kasing mayroon kaming exam ng 1pm sa school. Maaga akong naghanda para nga di "ma-late" . . .

Hindi na ako kumain ng lunch kasi medyo busog pa naman ako sa inalmusal ko nung umaga…

Maaga akong nakarating sa sakayan ng Jeep, … … … anak ng putakte! 20 mins akong ng antay ng byaheng crossing!! Ohnoes, walang silbi ang ginawa kong allowance sa oras, kinain din ng pag hihintay sa Waiting Shed!! asar!

Bago pa man dumating ang jeep, medyo napansin ko narin na tila madilim ang mga ulap, ayun na nga, di nagtagal, nangyari na ang iniisip ko >_< UMULAN!

Dahil nga sa biglaang pag ulan, malamang wala akong payong :p naiisipan ko nalang mag MRT para walang traffic >< . . pag dating ko sa babaan ng jeep, Nagalit lalo ang langit.. bumira pa ng bumira ng napakaraming patak :D

10mins din siguro akong nakatayo at nag antay ng pagtigil ng ulan..

Nakita ko sa sahig ang mga patak ng ulan na na humihina… Walang pag dadalawang isip, tinakbo ko na para lang di ma late..

Syet! Nabasa ako!!

~MRT - Shaw Blvd. Stn.~

Dahil siguro linggo, wala masyadong tao sa MRT, di tulad ng regular na araw na tila may healing mass si Fr. Suarez sa dami ng tao..

Mabilis ang pag sara ng pinto bawat istasyon kaya medyo maaga ako nakarating ng Taft Stn. "last station, paki check po ang mga bag, gamit, lalong lalo na po ang magnetic ticket na inyong gagamitin sa Pag labas ng istasyon, Maraming Salamat po"

Ang mga pasahero naman ng tren, akala mo ay mga player ng track and field.. Mukhang mga Runner na nag aantay ng "Bang" . . kasi inaantay nila ang pag bukas ng pinto ng tren, at once na pwede na makadaan. lumalabas ang pagiging mga Runner nila, wala pang mga 1 minuto nasa labas na sila ng istasyon..

Wala akong magandang maikwento sa LRT papuntang Central Stn….
Bukod sa pagiging masikip nito…

Ang ayos na sana, walang ulan…

AKALA ko lang pala iyon, nag taka nga ako eh.. nung nsa tren ako walang ulan, pero nung naka labas na ako ng istasyon ng tren sabay buhos ulit hahaha.. Nakakatawa..

Pag dating sa underpass, natakam ako sa mister donut, dahil siguro di ako ng lunch kaya gutom na ako.. Bumili ako ng 2 donut, ayos naman, lasang donut..

Sa iskul, walang tao, payapa, walang ng yoyosi sa gate, walang mga malalandi sa entrance.. Ang sarap tlga pag linggo sa Mapua :D

*W407 ang rum* - yan ang nasa isip ko pag mulat palang ng mga mata ko nung umaga, kaya dyan ako dumeretso, pag pasok ko " waa.. ibang mga mukha! siguro random ang mga rum" at di nagtagal nag vibrate ang celphone ko… ng txt si lui
"W402 ang rum, stupid" nyahaha.. sabay labas :p

W402, examination room, malamig, maingay… Dumating ang proctor, ibinigay ang exam..

Ayos! exam na! Pag tingin ko sa question, "wow, ang dali"  ang lumabas sa bibig ko..

At iyon na siguro ang huling beses na sinabi ko iyong kataga na iyon.. hahaha..

After 30 mins, may napansin akong tumayo ng upuan… Shet! si ***** tpos na!! Hahaha.. Natawa nalang ako kasi nung tinignan ko sya, naka ngiti sya at napansin ko sa mata nya ang salitang "woo.. DoTA na! "

Wahaha.. Nag hula hoop si ungas! nyahaha..

2.30pm ako natapos, oo, nag hula hoop din ako, pero di lang naman ako eh :p

Ang sarap pala mag Hula!! hahaha..

peace!

tol, wala nang pasok… >_<

January 26th, 2008

Jan. 23, 2008 ; Wednesday; 10.30pm nanonood ako ng coffee prince, hindi ko iniisip na may klase bukas, MATLAB, may quiz…

Sabagay madali palang naman, kasi "1st quiz" eh… Kaya ayun’ mag aalas dose na bukas parin ang TV…

Jan. 24,2008

12.20am; nakaramdam na ako ng antok… kusa na kasing pumipikit ang mga mata ko… isinet ang alarm ng cp ko, at ipinailalim sa unan… at 12.30 nakatulog na ng mahimbing… (-.-) zZzZzzZZ

4.00am, nag alarm ang pesteng cellphone, shet!! ang lakas talaga mambwusit nung vibrate ng cp ko.. ayun pinindot ko lang para tumigil saglit..

4.30am, nangulit na naman si pesteng alarm; pakiramdam ko sinasabi nito na "oi gising na ungas! i aalarm alarm mo ko tapos di ka babangon"… … … … pinindot ko ulit… (-.-)ZzzZZ

5.00am, ginising na ako ni manang "vin, gising na", sabi ko naman, sige sige, sabay check sa cp kung may nag text… sabay pikit..

5.50am, Nagulat ako!! shett!! mag 6am na!! weee.. late na ako!!

6.00am, nagmamadaling naligo, tiniis ang napakalamig na tubig…

6.20am, lumabas ng cr upang mag bihis …

6.35am, nag toothbrush…/ nag pulbo/nag pabango…

~di na nag almusal…

6.45am, sumakay ng jeep papuntang crossing…

~natrapik pa sa St. Paul Pasig..

7.08am, bumaba sa crossing para mag abang naman ng FX na byaheng Quiapo…

~mabilis naman akong nakakita ng FX…

7.40am, dumating ang FX sa mendiola…

7.45am, sumakay ng jeep papunta namang Manila Cityhall…

7.50am, trapik sa SM Manila, kailangan lakarin na lng..

7.55am, nasa underpass na ng maynila..

~matuling maglakad..

7.57am, nasa boundery na ng Intramuros…

~Bumilis lalo ang lakad…

8.03am, nakita ang School, maraming estudyanteng nagmamadali rin gaya ko..

8.05am, dinukot ang ID sa bag… at akmang itatap sa entrance ng biglang!!!

"Tol, wala nang pasok!! , Next meeting na raw ang quiz"

HAHAHAHAHAHAHA…

Computer Shops dito sa amin..

January 18th, 2008

Dumako naman tayo sa mga PC shop dito sa amin..

- Kuya Jay

Mabilis ang connection dahil cable internet sila.. Bullsh*t nga lang
puno lagi dahil ang daming ng dodota.. at lalong sumikip dahil sa mga
‘uzi’ na akala mo Brgy. Ginebra ang may laban at nakapag 3pts si
Helterbrand, amf!! napaka ingay!

Tapos biglang may darating na nanay "Hoy junjun! P#$$%#$#$@ mo!! di ka
pa nag aalmusal gago ka!! hapunan na ngaun!! "Syet ang adik!!

Nandito din kila kuya jay si RanboyWalangSarilingPC.. yan ang bansag ko
sa kanya, kasi 12-15 hrs nag ppc, tpos paalis alis nag ppa pilot sa mga
batang "utusan" doon..

Almost 200/day ang binabayaran nya.. eh sobrang tagal na nyang naglalaro dun..

Kung inipon nya un siguro may PC na sya Pentium Core 2 QUAD pa! haha.. ganun karaming pera na ang na ipang rent nya haha..

- Bart

Shop ng mga mahilig mangalikot ng Friendster, makipag landian sa Y.M, mga youtube boys,
mga baklang nag papanggap na babae sa mga kano, bata na ng lalaro ng
Rakion..

Sa mga mahilig mangalikot ng Friendster nila, di mapakali sa ginawa nilang background 10 mins ago.. papalitan agad.. o kaya lagyan ng napakaraming burloloy ang profile nila, kahit mukhang Christmas Tree na , sige lang..
Kahit sobrang bagal na mag load sige lang.. Blinggy Bob pa!! lolz..

Mga nakikipag landian sa friendster, nakikipag chat sa taong nsa likod lang ng PC nila, o kaya makakasalubong nya sa pag uwi mamaya.. "ASL po plss" / M/18/Makati, FrIeNdStEr PoUh PweeizEE " haha.. napaka landi ng salita, salitang alien ata yan, o ano ba? hahaha..

"Ate peram po ng Webcam" *kasi walang picture sa friendster*
Pag nakapag picture na, ang kinalabasan * nakaharap sa camera pero ang mga mata sa monitor nakatitig at NAKANGITI" yan ang mga picture nila..

Mga youtube loyalist

"Ate isang oras po ako" *upo*

"Ano nga ba ung kanta ni Soulja boy?" yan ang kadalasang pinapanood doon, 8 ata ang PC at 7 ang ng you youtube.. kaya kung di ka mag heheadset, mukhang remixed ang kanta ng pinapakinggan mo..
Kaya sinasabi ko sayo, wag ka dito mag raragna kasi di ka makaka log in sa dami ng bata at ng you youtube…

- 3 PC only shop

di ko pa napapasok ang shop na to.. pero 3 lang daw ang PC nito..
hay nako naman, tpos 10 ang waiting.. wala akong masyadong masabi dito eh..

- Lag shop a.k.a Alyas FLYFF

weee.. sige lipad, lipad mga characters, yan ang makikita mo sa mga monitor ng shop na ito, nakakabwisit, isipin mo mukhang little mermaid ang graphics tpos nalipad at may usok pa.. tsk..tsk. *ubo ubo*

sige lipad!! wag mo subukan mag RO dito, ay teka muna pala,
pag pasok mo d2, di ka agad i eentertain syette!! ok balik RO,
wag ka mg lalaro ng RO dito kung ayaw mong mamatay sa sobrang lag..
sayang 5% no.. wala naman ng youyoutube? so ganun kabagal ang net nila.. sos naman.. may print service pero walang ink.. punyemas naman,, :p

Kuya Ranz

one of the best pag dating sa speed ng net.. dito kami ng lalaro ng ate ko dati nung HS ako,50 pesos 4hrs.. woo sarap..

Di naglalag kahit may ng youyoutube o kaya ng you you P *** haha.. ay wala pa palng U.P noon :p

Kaso di rin nag tagal ang shop nato, bukod sa amoy ilog minsan.. eh masyadong tago, mga taga doon lng halos ang pumapasok..

ANGASHOP

mga mayayabang na players at mayabang na may-ari.. mga walang alam sa buhay kundi mag DoTA, pinag palit ang iskwela sa DoTA.. haha.. pramis!!
Wala rin alam ang shop na to kung di sirain ang isang laro kasi ggawa ng paraan para sirain ito! dahil sa mga ‘bot’ program nila.. naisira ang system ng laro..

MAYABANG na player na inaangasan ako, kasi naabutan ako sa pag pplvl..
ikaw ba naman tumigil ng 2nd HS haha.. eh ako College nko eh. haha.. tanga talaga..

Lola’s

Malamig, mabilis din ang net.. sadly, walang RO :(

RAN online lng.. sayang, pero masarap dito kasi mabait si Lola eh.. hahaha..
wag nga lng maingay habang naglalaro kasi natutulog sya minsan..
at malilingat so ayun.. na extend ng di oras ..

A. Bernards!

di ko pa nasisilip, pero malapit lang sa amin.. almost a month pa lang ata tumatakbo ang shop.. Ayoko dito, kasi baka katulad din to ng ANGASHOP eh.. haha.. nakakabadtrip lang..

So ayun.. nasa bahay ako, dito ako ng pPC, minsan kila kuya Jay, kasi dun ako sanay..

salamat till next time..

mag 1am na eh.. antok nako :p

(-.-)zzZZzZZZzzZ

Halo -halo

January 18th, 2008

malamig, maraming gatas, maraming sahog, makapal na slice ng leche flan at ube..
ay leche!! ibang halo-halo ang ittype ko ungas!! haha..

Halo-halong kwento :p

Almost a year na rin ako, mula nung huli kong post.. at eto muling nagbabalik.. panibagong kwento, at panibagong oras na masasayang.. mag aalas dose na kaya lang di pa ako inaantok eh ><.. gustuhin ko mang manood ng Bubble Gang, eh mas trip ko mag PC..

PC :
-ragnarok

naka pub ang character ko sa RO valkyrie " tambay lang delayed eh"
ang hirap kaya mag pa level kung delayed ang party!! Marami pang scammer sa MP sos.. Sa loob nang aking ‘pub’ maraming pumapasok mga nakikipag daldalan, mga nag aangas, nag hahamon ng PvP, at mga pulubs, na walang ginawa kundi manghingi ng zeny, at ako naman si tanga dini deal agad at bibigyan ng 3k..

- Mozilla Firefox (2 tabs are open)

Ragnaboards - isang official fans forum ni •Jc• ay isang Official Ragnarok Online Forum". Masarap tumambay dito, madaming kadaldalan, kabiruan, at kadebatehan.. Maraming Sections ang makikita dito, isa sa mga yan ay ang "The Lounge" , any topics are allowed except sa RO topics, kasi once na mag start ka ng maling topic sa isang maling section, baka mapahiya ka lang dahil marami ring bastos dito manalita.

Ok, "The Lounge" , *whammy you* lolz.. Kumbaga dito nagtitipon tipon ang mga tao na nais mamahinga sa pag lalaro ng RO, o kaya naman ay para ikondisyon nila ang kanilang mga utak dahil baka mahampas nila ng keyboard ang monitor nila dahil sa hirap minsang mag log-in sa Valky at delayed ang party and pm..
Maraming topics ang masarap replyan, *ubo* spamman.. haha

Friendster (2nd tab)

syempre bukas yan kasi ng ttype ako dito sa blog na ito.. haha..
lagi namang naka open tong friendster ko once na umupo na ako sa PC :p
wala lang.. bakit masama ba? hehe..

-Limewire

File Sharing Program; kuhanan ng kanta, sama narin natin ang Vids >:)

Masarap gamitin ang Limewire kasi user’s friendly sya.. title and artist lng ok na..lalabas na agad ang hinahanap mo..

Pero minsan iba ang lalabas at baka masampal ka ng nanay mo kapag nabasa nya ang file na bubungad agad sayo, example : nag sesearch ka ng kanta ni Jolina,
"Paper Roses - Jolina" ang tino tino ng hinahanap mo tapos ang makikita mo ay ganito " Paper Roses Jolina cums on webcam live! - 109.3kbps" bullshit!! haha.. nakakabadtrip pag ganyan..

-Yahoo Messenger

o mas kilalang y.m , chat program, pwede din maging file sharing sa kakilala mo..
mag GM ka magdamag, walang bayad to, walang load di gaya ng Celphone pero nid mo ng internet connection syempre!

Gaya ng RB (ragnaboards) may mga Sections din ito kung nais mo makipag chat sa mdaming tao gaya ng mga ginagawa ng mga taong nais magka gelpren/boypren..
*Metro Manila Barkada 20* yan ang example ng ‘room’ sa Y.M.. papasok ka dyan para lang mag type ng "ASL" (age sex location) minsan "NASL" N = name..
Minsan din maittype mo "WTF, P.I. MO!!" kasi pareho kayong lalaki o kaya babae, di kayo talo boy!

Gaya ng *Metro Barkada 20* room.. meron namang *tantananan tanan!*

/R/O/M/A/N/C/E/ ROOM.. lugar ng mga nag mamahalan at magmamahalan.. o kaya nag mamahalan ang presyo para makita mo silang nag shoshow sa webcam haha.. Karaniwang makikita dito ay mga taga ibang bansa na . . .
Mga bot program na walng ginawa kundi mag pm ng "Click to see me on webcam naked NOW! " lolz.. VIRUS ang ibang site na yan.. delikado.. haha..

-Folder (My Music)

- di rin mawawala sa listahan sa aking taskbar ang folder na yan.. kasi lagi akong nag papatugtog.. Bale ang trip ko kahapon ay alesana ngayon naman ay si YUI..
Marami rami naring kanta, at gusto ko pang madagdagan ng iba pang genre.. *whammy you* haha..

- Windows Media Player

syempre dyan automatic na mapplay ang mga kanta sa PC ko.. kaya ayun naka open din.. hahaha..

hay.. *cause a long night, means a fist fight* line sa kanta yan ng TBS, slow dance on the inside.. hehehe trip ko lng ishare..

PS : Anong anti virus ang magaling, pag na virus ka ng webcam girls? TNX!!

ulap

January 13th, 2007

masaya ako kapag ng iisa ako,tahimik,nka ngiti, lalo na kpg malakas ang hangin at malilim..

nakatingin ka sa malayo, ang isip mo ay nalalayo..

mga ulap..mga ulap..sana makasama ko kayo dyan..

nawawala ang problema kpag nakatitig sa inyo..

salamat mga ulap..salamat..napaka payapa nyo

all about…

January 1st, 2007

for me, ok ang mga kanta na may pagka "Em0" syempre hndi basta2 naisulat ung mga gnyan…meron clng pngkuhanan nyan,,example pag na heart broken ka…isusulat mo laht ung nraramdaman mo kesa ibuhos mo ung "pain" sa ibang bagay.

mas nabubuhayan ako pg nkakarinig ng mga ganyang kanta..kesa dun sa mga kanta na wlng cnbi kundi "lick mah fuc*in as*"…laging my nka censored na word like "motha’ fuc*a" no offend dun sa mga mahilig sa gnyang genre ng music…pero for me nkakabastos yang ganyan…

sa porma naman… simple lng..basta nka t-shirt,pants,and shoes kontento nko…

di ko rin maintindihan kung bkit kailangan ng mga "bling bling"…oo maganda yan…pro wag nmn sobra!! pati ngipin meron!! halos makuba na sa sobrang dami ng nka sabit na bakal sa neck…

hayy…nagtataka lng tlga ako..sorry sa mga mkkbasa nito na naasar sa akin..peace lng po tau..hehe

nagtataka lng tlga ako…

nagtataka lng tlga ako…

nagtataka lng tlga ako…

nagtataka lng tlga ako…

2007?my ibubuga ka ba kay 2006?

December 31st, 2006

hay…another year nnmn ang lumipas and another year nnmn ang dumating…

ako?oo naging masaya ako last year 2006..xempre un ung year na gumraduate ako ng highschool..nd nag enter ako ng college…maraming masaya at malungkot n nangyari..meron na "basted" ni ganito..meron nmn kung anu2 lng..e2 din ung year na my n meet ako new circle of friends..kya hapi ako..!!

2006 is tragedy/calamity year?

I think so..kz ng ccmula plng lumarga ung taon dmi na di maganda ngyari..njan ung:

1.ultra tragedy..almost 70+ died..trying their luck on the noontime show "wowowee"

2.ung mudslide sa guinsaugon..almost 200+ people died,and a thousand missing..

3.Typhoon "milenyo" destroys manila..grabe ‘to!!ako mismo kinakabahan dhil 1st tym ko nka experience ng gnung klakas

4.Super typhoon "reming" and "seniang" attacks bicol region..and it’s not done yet..nki sali pa ung Mt.Mayon..dmi namatay sa "lahar"..so i think they cursed yar 2006..

2006 is red as blood?

yeah…dmi inambush na political persons..kakaawa nga eh..ung isa d manlang pinaabot ng pasko! cguro maxadong madugo ‘tong election na dadating

pero di nmn lhat ng ngyari sa 2006 is di maganda..

•nanjan ung 3 times nanalo c Manny "Pacman" Pacquiao:

1. Jan. 21, 2006- defeated Eric "El Terible" Morales by TKO

2. July 2, 2006-defeated Oscar Larios by KO

3.Nov 18, 2006-defeated "again" Eric "El Terible" Morales by TKO within 3 rounds

•Nanalo c Efren "The Magiacian" Reyes(billiards)

•Nanalo si Alcano(billiards)

hayy…masaya na malungkot na masaya tlga ang year 2006!!

eh anu nmn kaya ang naghihintay this year 2007?

may ibubuga kba kay 2006?

Lets find out nlng kung anu meron ‘tong si 2007!!

sana nmn wla n maxado calamities..and this coming election, sana wlang mangyaring dayaan and sana malinis ang mging resulta!!

okies mga pre!!d2 nlng..!!