Computer Shops dito sa amin..

January 18th, 2008

Dumako naman tayo sa mga PC shop dito sa amin..

- Kuya Jay

Mabilis ang connection dahil cable internet sila.. Bullsh*t nga lang
puno lagi dahil ang daming ng dodota.. at lalong sumikip dahil sa mga
‘uzi’ na akala mo Brgy. Ginebra ang may laban at nakapag 3pts si
Helterbrand, amf!! napaka ingay!

Tapos biglang may darating na nanay "Hoy junjun! P#$$%#$#$@ mo!! di ka
pa nag aalmusal gago ka!! hapunan na ngaun!! "Syet ang adik!!

Nandito din kila kuya jay si RanboyWalangSarilingPC.. yan ang bansag ko
sa kanya, kasi 12-15 hrs nag ppc, tpos paalis alis nag ppa pilot sa mga
batang "utusan" doon..

Almost 200/day ang binabayaran nya.. eh sobrang tagal na nyang naglalaro dun..

Kung inipon nya un siguro may PC na sya Pentium Core 2 QUAD pa! haha.. ganun karaming pera na ang na ipang rent nya haha..

- Bart

Shop ng mga mahilig mangalikot ng Friendster, makipag landian sa Y.M, mga youtube boys,
mga baklang nag papanggap na babae sa mga kano, bata na ng lalaro ng
Rakion..

Sa mga mahilig mangalikot ng Friendster nila, di mapakali sa ginawa nilang background 10 mins ago.. papalitan agad.. o kaya lagyan ng napakaraming burloloy ang profile nila, kahit mukhang Christmas Tree na , sige lang..
Kahit sobrang bagal na mag load sige lang.. Blinggy Bob pa!! lolz..

Mga nakikipag landian sa friendster, nakikipag chat sa taong nsa likod lang ng PC nila, o kaya makakasalubong nya sa pag uwi mamaya.. "ASL po plss" / M/18/Makati, FrIeNdStEr PoUh PweeizEE " haha.. napaka landi ng salita, salitang alien ata yan, o ano ba? hahaha..

"Ate peram po ng Webcam" *kasi walang picture sa friendster*
Pag nakapag picture na, ang kinalabasan * nakaharap sa camera pero ang mga mata sa monitor nakatitig at NAKANGITI" yan ang mga picture nila..

Mga youtube loyalist

"Ate isang oras po ako" *upo*

"Ano nga ba ung kanta ni Soulja boy?" yan ang kadalasang pinapanood doon, 8 ata ang PC at 7 ang ng you youtube.. kaya kung di ka mag heheadset, mukhang remixed ang kanta ng pinapakinggan mo..
Kaya sinasabi ko sayo, wag ka dito mag raragna kasi di ka makaka log in sa dami ng bata at ng you youtube…

- 3 PC only shop

di ko pa napapasok ang shop na to.. pero 3 lang daw ang PC nito..
hay nako naman, tpos 10 ang waiting.. wala akong masyadong masabi dito eh..

- Lag shop a.k.a Alyas FLYFF

weee.. sige lipad, lipad mga characters, yan ang makikita mo sa mga monitor ng shop na ito, nakakabwisit, isipin mo mukhang little mermaid ang graphics tpos nalipad at may usok pa.. tsk..tsk. *ubo ubo*

sige lipad!! wag mo subukan mag RO dito, ay teka muna pala,
pag pasok mo d2, di ka agad i eentertain syette!! ok balik RO,
wag ka mg lalaro ng RO dito kung ayaw mong mamatay sa sobrang lag..
sayang 5% no.. wala naman ng youyoutube? so ganun kabagal ang net nila.. sos naman.. may print service pero walang ink.. punyemas naman,, :p

Kuya Ranz

one of the best pag dating sa speed ng net.. dito kami ng lalaro ng ate ko dati nung HS ako,50 pesos 4hrs.. woo sarap..

Di naglalag kahit may ng youyoutube o kaya ng you you P *** haha.. ay wala pa palng U.P noon :p

Kaso di rin nag tagal ang shop nato, bukod sa amoy ilog minsan.. eh masyadong tago, mga taga doon lng halos ang pumapasok..

ANGASHOP

mga mayayabang na players at mayabang na may-ari.. mga walang alam sa buhay kundi mag DoTA, pinag palit ang iskwela sa DoTA.. haha.. pramis!!
Wala rin alam ang shop na to kung di sirain ang isang laro kasi ggawa ng paraan para sirain ito! dahil sa mga ‘bot’ program nila.. naisira ang system ng laro..

MAYABANG na player na inaangasan ako, kasi naabutan ako sa pag pplvl..
ikaw ba naman tumigil ng 2nd HS haha.. eh ako College nko eh. haha.. tanga talaga..

Lola’s

Malamig, mabilis din ang net.. sadly, walang RO :(

RAN online lng.. sayang, pero masarap dito kasi mabait si Lola eh.. hahaha..
wag nga lng maingay habang naglalaro kasi natutulog sya minsan..
at malilingat so ayun.. na extend ng di oras ..

A. Bernards!

di ko pa nasisilip, pero malapit lang sa amin.. almost a month pa lang ata tumatakbo ang shop.. Ayoko dito, kasi baka katulad din to ng ANGASHOP eh.. haha.. nakakabadtrip lang..

So ayun.. nasa bahay ako, dito ako ng pPC, minsan kila kuya Jay, kasi dun ako sanay..

salamat till next time..

mag 1am na eh.. antok nako :p

(-.-)zzZZzZZZzzZ




2 Responses to “Computer Shops dito sa amin..”

  1.   norgactortIda on November 30, 2008 5:53 pm

    Cheers!
    I made with photoshop animated myspace pics.
    take a look at them:
    http://tinyurl.com/6o76mq
    Thank you for your site :) xoxoxo

  2.   cypelayense on December 27, 2008 5:47 am

    Hi your website is cool
    I have a new band and we just had a live gig u can see here:
    http://tinyurl.com/8w2esc

Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind