Hula Hoop

January 27th, 2008

Maaga akong gumising ngayon araw ng linggo, naalala ko kasing mayroon kaming exam ng 1pm sa school. Maaga akong naghanda para nga di "ma-late" . . .

Hindi na ako kumain ng lunch kasi medyo busog pa naman ako sa inalmusal ko nung umaga…

Maaga akong nakarating sa sakayan ng Jeep, … … … anak ng putakte! 20 mins akong ng antay ng byaheng crossing!! Ohnoes, walang silbi ang ginawa kong allowance sa oras, kinain din ng pag hihintay sa Waiting Shed!! asar!

Bago pa man dumating ang jeep, medyo napansin ko narin na tila madilim ang mga ulap, ayun na nga, di nagtagal, nangyari na ang iniisip ko >_< UMULAN!

Dahil nga sa biglaang pag ulan, malamang wala akong payong :p naiisipan ko nalang mag MRT para walang traffic >< . . pag dating ko sa babaan ng jeep, Nagalit lalo ang langit.. bumira pa ng bumira ng napakaraming patak :D

10mins din siguro akong nakatayo at nag antay ng pagtigil ng ulan..

Nakita ko sa sahig ang mga patak ng ulan na na humihina… Walang pag dadalawang isip, tinakbo ko na para lang di ma late..

Syet! Nabasa ako!!

~MRT - Shaw Blvd. Stn.~

Dahil siguro linggo, wala masyadong tao sa MRT, di tulad ng regular na araw na tila may healing mass si Fr. Suarez sa dami ng tao..

Mabilis ang pag sara ng pinto bawat istasyon kaya medyo maaga ako nakarating ng Taft Stn. "last station, paki check po ang mga bag, gamit, lalong lalo na po ang magnetic ticket na inyong gagamitin sa Pag labas ng istasyon, Maraming Salamat po"

Ang mga pasahero naman ng tren, akala mo ay mga player ng track and field.. Mukhang mga Runner na nag aantay ng "Bang" . . kasi inaantay nila ang pag bukas ng pinto ng tren, at once na pwede na makadaan. lumalabas ang pagiging mga Runner nila, wala pang mga 1 minuto nasa labas na sila ng istasyon..

Wala akong magandang maikwento sa LRT papuntang Central Stn….
Bukod sa pagiging masikip nito…

Ang ayos na sana, walang ulan…

AKALA ko lang pala iyon, nag taka nga ako eh.. nung nsa tren ako walang ulan, pero nung naka labas na ako ng istasyon ng tren sabay buhos ulit hahaha.. Nakakatawa..

Pag dating sa underpass, natakam ako sa mister donut, dahil siguro di ako ng lunch kaya gutom na ako.. Bumili ako ng 2 donut, ayos naman, lasang donut..

Sa iskul, walang tao, payapa, walang ng yoyosi sa gate, walang mga malalandi sa entrance.. Ang sarap tlga pag linggo sa Mapua :D

*W407 ang rum* - yan ang nasa isip ko pag mulat palang ng mga mata ko nung umaga, kaya dyan ako dumeretso, pag pasok ko " waa.. ibang mga mukha! siguro random ang mga rum" at di nagtagal nag vibrate ang celphone ko… ng txt si lui
"W402 ang rum, stupid" nyahaha.. sabay labas :p

W402, examination room, malamig, maingay… Dumating ang proctor, ibinigay ang exam..

Ayos! exam na! Pag tingin ko sa question, "wow, ang dali"  ang lumabas sa bibig ko..

At iyon na siguro ang huling beses na sinabi ko iyong kataga na iyon.. hahaha..

After 30 mins, may napansin akong tumayo ng upuan… Shet! si ***** tpos na!! Hahaha.. Natawa nalang ako kasi nung tinignan ko sya, naka ngiti sya at napansin ko sa mata nya ang salitang "woo.. DoTA na! "

Wahaha.. Nag hula hoop si ungas! nyahaha..

2.30pm ako natapos, oo, nag hula hoop din ako, pero di lang naman ako eh :p

Ang sarap pala mag Hula!! hahaha..

peace!




Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind