tol, wala nang pasok… >_<

January 26th, 2008

Jan. 23, 2008 ; Wednesday; 10.30pm nanonood ako ng coffee prince, hindi ko iniisip na may klase bukas, MATLAB, may quiz…

Sabagay madali palang naman, kasi "1st quiz" eh… Kaya ayun’ mag aalas dose na bukas parin ang TV…

Jan. 24,2008

12.20am; nakaramdam na ako ng antok… kusa na kasing pumipikit ang mga mata ko… isinet ang alarm ng cp ko, at ipinailalim sa unan… at 12.30 nakatulog na ng mahimbing… (-.-) zZzZzzZZ

4.00am, nag alarm ang pesteng cellphone, shet!! ang lakas talaga mambwusit nung vibrate ng cp ko.. ayun pinindot ko lang para tumigil saglit..

4.30am, nangulit na naman si pesteng alarm; pakiramdam ko sinasabi nito na "oi gising na ungas! i aalarm alarm mo ko tapos di ka babangon"… … … … pinindot ko ulit… (-.-)ZzzZZ

5.00am, ginising na ako ni manang "vin, gising na", sabi ko naman, sige sige, sabay check sa cp kung may nag text… sabay pikit..

5.50am, Nagulat ako!! shett!! mag 6am na!! weee.. late na ako!!

6.00am, nagmamadaling naligo, tiniis ang napakalamig na tubig…

6.20am, lumabas ng cr upang mag bihis …

6.35am, nag toothbrush…/ nag pulbo/nag pabango…

~di na nag almusal…

6.45am, sumakay ng jeep papuntang crossing…

~natrapik pa sa St. Paul Pasig..

7.08am, bumaba sa crossing para mag abang naman ng FX na byaheng Quiapo…

~mabilis naman akong nakakita ng FX…

7.40am, dumating ang FX sa mendiola…

7.45am, sumakay ng jeep papunta namang Manila Cityhall…

7.50am, trapik sa SM Manila, kailangan lakarin na lng..

7.55am, nasa underpass na ng maynila..

~matuling maglakad..

7.57am, nasa boundery na ng Intramuros…

~Bumilis lalo ang lakad…

8.03am, nakita ang School, maraming estudyanteng nagmamadali rin gaya ko..

8.05am, dinukot ang ID sa bag… at akmang itatap sa entrance ng biglang!!!

"Tol, wala nang pasok!! , Next meeting na raw ang quiz"

HAHAHAHAHAHAHA…




One Response to “tol, wala nang pasok… >_<”

  1.   RAM on February 17, 2008 12:19 am

    Badtrip yan hahaha

Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind